Ang Mabuting Balità ayon kay San Mateo 16:21-27
Noong panahong iyon,
sinimulang ipaalam na ni Hesús sa kaniyáng mga alagad
na dapat siyáng magtungo sa Jerusalem
at magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda ng bayan,
ng mga punong saserdote at ng mga eskriba,
at kanilang ipapapatay siyá.
Ngunit sa ikatlong araw siyá’y muling mabubuhay.
Niyáya siyá ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan ng ganito:
“Panginoón,
huwag nawang itulot ng Diyós!
Hindi po dapat mangyari ito sa inyó."
Ngunit hinarap siyá ni Hesús at sinabihan,
“Lumayo ka, Satanas!
Hadlang ka sa aking landas.
Ang iniisip mo’y hindi sa Diyós kundi sa tao."
Sinabi ni Hesús sa kaniyáng mga alagad,
“Kung ibig ninumang sumunod sa akin,
limutin niyá ang ukol sa kaniyáng sarili,
pasanin ang kaniyáng krus at sumunod sa akin.
Ang naghahangad na magligtas ng kaniyáng buhay
ay siyáng mawawalan nito;
ngunit ang mag-alay ng kaniyáng buhay alang-alang sa akin
ay siyáng magkakamit noon.
Ano nga ang mapapala ng isang tao,
makamtan man niyá ang buong daigdig
kung ang katumbas naman nito’y ang kaniyáng buhay?
Ano ang maibabayad ng tao
para mabalik sa kaniyá ang kaniyáng buhay?
Sapagkat darating ang anak ng Tao
na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kaniyáng Ama
at kasama ang kaniyáng mga anghel.
Sa panahong yao’y gagantihin niyá ang bawat tao
ayon sa kaniyáng ginawa."

Ang Mabuting Balità ng Panginoón!
No comments:
Post a Comment